Your Ad Here

Wednesday, March 10, 2010

Anne, crush na crush ni Joshua Davis!


Ang 17-year old na si Joshua Davis ay kilala bilang “Yoyo Tricker” na kauna-unahang P1M winner ng Ta­lentadong Pinoy ng TV5. Tinalo ni Joshua ang mga katunggali niyang Far East Acrobats, Makatatawanan, Leah Patricio, Omar The Ladder Balancer, Wanlu, Tribal Dancers at ang wild card na si Jackielyn.


Anyway, hindi naiwasang kuwestyunin ang pagkapanalo ni Joshua dahil nalaglag daw ang hawak niyang yoyo sa kalagitnaan ng kanyang performance. Pero deadma lang ang bagets dahil kumbinsido siya na siya talaga ang winner sa kanilang lahat.


Sabi ni Joshua, ginagabayan daw siya ng kanyang yumaong kapatid na kasabay niyang nag-aral ng yoyo tricks at kasama sana niyang nag-audition sa Talentadong Pinoy kundi lang ito namatay agad sa sakit na kanser.


“Nasa wallet ko po ‘yung picture ng kuya ko. Lagi ko itong dala-dala. Nu’ng rehearsal hindi ko po dala ‘yung wallet kaya mali-mali ako sa praktis. Pero bago mag-show, okey na po ako,” kuwento niya.


Inamin ni Joshua na hiningi rin niya ang suporta ng mga kapatid niya sa Iglesia Ni Cristo. Second year high school si Joshua sa New Era.


Ilalagay raw ni Joshua sa bangko ang perang napanalunan niya. At `yun daw ang gagamitin niyang pantustos sa pag-aaral niya sa college.


Willing din si Joshua na pakusin ang showbiz kung magkakainteres ang TV5 na kunin siya bilang talent.

At kung papapiliin siya, gusto niyang maging ka-love team si Anne Curtis na crush na crush niya.


Yun nga lang, mahihirapan siyang makasama sa project sa TV5 si Anne dahil exclusive ito sa ABS CBN 2.

0 comments:

Post a Comment