Your Ad Here

Wednesday, March 10, 2010

Christian, special guest sa Pattaya Festival!


GINAGAWA na lang Cubao ni Christian Bautista ang pagpunta sa iba’t ibang panig ng Asya. Heto nga at pupunta na naman siya sa Thailand sa March 18 para i-represent ang Pi­lipinas sa Pattaya Festival.


Ang Pattaya Festival ang pinakama­laking summer event ng Bangkok. Isang linggong festival ng music, dance, beauty contests, parades, sandcastle contests at party ito, na sasamahan pa ng sound and light shows at fireworks displays sa beach para ma-promote ang Pattaya bilang premier tourist destination. Makakasama ni Christian sa Thailand sina Universal Records’ Executive Vice President Ramon Chua­ying at ang kanyang Business Manager na si Carlo Orosa.Dahil siya ang tinaguriang Asia’s Pop Idol at Romantic Balladeer, pinili si Christian ng Grammy, ang pinakamalaking independent record label at media conglomerate entertainment company sa Thailand para mag-perform sa main event ng Pattaya Festival sa March 20.


Dinadaluhan ito ng mahigit 30,000 na tao. At habang nasa Thailand, magiging busy si Christian sa TV guesting at presscons doon.


Malaking opportunity ito para kay Christian at hindi ito mangyayari kung hindi dahil sa kanyang record label, ang Universal Records. Ang ABS CBN, na home studio ni Christian ay magpapadala rin ng mga TV crew para i-cover ang Thailand trip para makita ng mga Pinoy ang achievement na ito ni Christian.


Anyway, matapos ng success sa Indonesia ng kanyang latest single na Anagurah Cinta kasama ni Noryn Aziz at ni-launch na rin sa Malaysia, ang kasunod na Bahasa single ay inihahanda na para mapabilang sa release ng kanyang album ngayong Abril na idi-distribute rin ng Universal Music Malaysia.


Magandang balita ito, ayon sa Universal Records General Manager na si Kathleen Dy Go, kaya handa silang itodo ang marketing kay Christian sa Singapore, Hong Kong, Taiwan, South Korea at iba pang parte ng Asia.


Pangako ni Christian, patuloy niyang itataas ang bandera ng ating bansa at iba­bahagi ang “colors of romance” hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong Asia.


Siyanga pala, magkakaroon si Christian, na isa ring Swatch endorser, na 2-nights concert sa Music Museum, ang Romance Revisited sa March 12 at 13 at special guests niya sina Karylle at ang A-POP.


Si Christian at Swatch ay limang taon na ring nagsasama sa tagumpay
at ligaya.

0 comments:

Post a Comment