Your Ad Here

Wednesday, March 31, 2010

Dennis at Jennylyn magkasama sa Cebu?!


Kasama pa rin si Dennis Trillo sa Party Pilipinas, pero semi-regular na lang ang labas nito o twice a month. Ito ang napag-usapan ng kam­po ng aktor at ng mga taga-Party Pilipinas.

Walang publicity photo si Dennis at wala rin siya sa TV plugging ng show dahil after the shoot at pictorial ng Party Pilipinas na lang nito tinanggap ang offer na mag-semi regular siya sa show.

Hindi pa namin natatanong si Dennis sa tsikang nagka­kamabutihan sila ni Jennylyn Mercado mula nang magkasama sa Gumapang Ka Sa Lusak, nag-deny na si Jennylyn, nali-link daw sila dahil magkasama sa show. After niyang mag-deny, nakita silang magkasamang nanood ng basketball sa The Arena sa San Juan City, after Party Pilipinas. Nasa Cebu si Jennylyn this Holy Week, ‘di kami magugulat ‘pag nalamang pumunta rin sa Cebu si Dennis?

0 comments:

Post a Comment