Your Ad Here

Tuesday, March 2, 2010

Roxanne, ‘di raw disgrasyada!


UMAMIN na nga si Roxanne Guinoo kay Boy Abunda sa The Buzz last Sunday na 12 weeks na siyang buntis. At heto naman ngayon ang fan ni Roxanne, na nag-email agad sa akin, na siyempre pa ay ipinagtatanggol ang kanyang idolo. Sige, basahin na lang natin ang email ni Tetcha Emmanuel (tetcha_emmanuel45@yahoo.com):


“Dear Tito Alfie,


“Lalo po akong hu­ma­nga kay Roxanne nu’ng aminin niya na buntis siya, at hindi pumasok sa isip niya na ipalaglag ang bata. I know, may mga taong kumukondena kay Ro­xanne, na hayun nga siya at mukhang mahinhin, pero nabuntis agad kahit hindi pa kasal. Pero, sa totoo lang po, hindi naman siya dapat ikondena, bagkus ay dapat siyang hangaan, na hinarap niya ang sitwasyon niya.


“Maraming taga-show­biz ang nabuntis noon, na nag-deny, pero after 9 months, hayun at nanganak, at nu’ng malaki na ang bata, doon lang inamin na nanay na sila. Kahit itanong niyo pa kina Aubrey Miles, Geneva Cruz, Carlene Aguilar, at marami pang iba.


“Sabi ng mga detractors ni Roxanne, dalagang-ina, o disgrasyada raw siya. Hindi po tama `yon, dahil unang-una, hindi naman tinakbuhan si Roxanne ng lalaking nakabuntis sa kanya, at hayun nga at pakakasalan siya next year. Ang disgrasyada sa pananaw ko ay ‘yung mga nabuntis na lang, at hindi na nakita ang ama ng kanilang ipinagbubuntis. Sa case ni Roxanne, nauna lang talaga ang baby, at isusunod naman agad ang kasal. Eh, may iba nga riyan na nagsasama na, may mga anak na, pero hindi naman kasal. Pero, hindi natin sila kinukondena.


“Sana lang po, maintindihan natin ang sitwasyon ni Roxanne nga­yon. Huwag na sana natin siyang bigyan ng sama ng loob ngayong buntis siya, dahil makakasama `yon sa baby niya.


Dapat maging masaya tayo sa kanya na masaya na siya ngayon. Thank you po, Tito Alfie….”

0 comments:

Post a Comment