Your Ad Here

Tuesday, March 2, 2010

Tuta ni Mark, katabi sa pagtulog ni Ynna!


NAKAKALOKA si Ynna Asisitio, dahil itinatabi talaga niya sa pagtulog si Choco, ang tuta na Chihuahua na regalo sa kanya ng special friend niyang si Mark Herras, na kapareha niya ngayon sa Diva ni Regine Velasquez.


So, pag niyayakap at hinihimas niya si Choco, para na ring si Mark ang kayakap at hinihimas niya?


“Hindi naman po! Ha! Ha! Ha! Natuwa lang ako kasi naikuwento ko sa kanya na gusto kong bumili ng aso na ako ang mag-a­alaga. Eh, masyadong napadali at niregaluhan niya ako kaya dapat ko lang alagaan ang aso!” sabi ni Ynna.


Ano ba ang ugali ni Mark na gustung-gusto niya?


“Sobrang understanding at sobrang sweet niya!”Eh, ano naman ang gusto niyang baguhin sa aktor?


“Nabago na, eh! Ha! Ha! Ha! ‘Yung pagkaka-addict niya sa internet. Sa computer games,” sagot ni Ynna.


Ano pa ba ang hinihintay niya para maging opisyal na niyang boyfriend si Mark?


“Hindi sa merong hinihintay. Ini-enjoy namin kung ano ang meron kami ngayon. Mas maganda ‘yung hindi namin minamadali. Mas natatakot ako kapag mina­dali ko dahil baka masira ‘yung relasyong meron kami.”


Ano ba ang madalas nilang pagtampuhan ni Mark?


“’Yung paglalaro niya sa internet ang pinag-aawayan namin. Hindi sa ayaw ko pero naiintindihan ko naman dahil after work, ‘yun ang way niya para mawala ang stress niya. So, bakit ako magagalit?

Nagkaroon lang ng time na pinaghintay kami sa bahay dahil doon! Ha! Ha! Ha! Pero nabago na ‘yon!”


Ano naman ang sinasabi ng mga parents niya kay Mark?


“Nag-usap sina Mark at mommy (Nadia Montenegro) at kung ano ang pinag-usapan nila, wala akong alam doon. Hindi nila sinasabi sa akin ang pinag-usapan nila. Si daddy naman, okey sa kanya si Mark.

Three years nang pabalik-balik sa bahay si Mark. Eh, wala namang ginagawang masama si Mark sa akin kaya walang dahilan para maging masama rin ang tingin sa kanya ng daddy ko.”


Para kay Ynna, kulang pa rin ang 3-years na friendship nila ni Mark upang makilala niya ito nang husto.


“Bawat araw kasi, may nakikita kang bago sa kanya. Takot lang niya sa nanay at tatay ko! Ha! Ha! Ha!”
So, hindi na siya nagpapaligaw sa iba dahil kay Mark?


“Hindi naman po talaga ako nagpapaligaw. Walang nagta-try o nag-a-attempt! Baka takot sila sa magulang ko! Ha! Ha! Ha! Si Mark lang kasi ang nagpapakita sa bahay!” sagot ni Ynna.


Teka, magkakaroon ba sila ni Mark ng kissing scene sa Diva?


“Hindi ko po alam, pero pinayagan ako ni daddy sa ganyan pagdating sa work. Naka-kissing scene ko na sina JC de Vera at Joross Gamboa. So feeling ko, hindi naman magiging iba kung si Mark naman ang ka-kissing scene ko!” paliwanag ni Ynna.


Eh, off-screen, may kissing scene na sila?


“Hi! Hi! Hi! Hi!” tugon lang ng anak ni Nadia.

0 comments:

Post a Comment