Your Ad Here

Tuesday, March 2, 2010

Jake at Piolo, labanan sa Ultimate Pinoy Hunk!


AWARE si Jake Cuenca na nabitin ang mga fans sa pag­rampa niya kamakailan sa Mall of Asia. Hindi kasi nag-brief si Jake sa pagrampa, bagkus ay nag-topless lang ito at pantalon, to think na brief ng Bench ang ini-endorse niya.


“Siyempre, may susunod pa, malapit na malapit na.

At least, may aabangan ang mga tao,” sabi ni Jake.


Kung tutuusin, wala namang problema kay Jake kung rumampa siya na naka-brief. Sanay na siya sa ganun, at ginawa na rin niya `yon noon sa Araneta Coliseum.


“Siyempre, nasa mall tayo, at iginagalang natin ang lugar,” sagot lang niya.


Anyway, bagama’t bitin sa bukol ni Jake ang mga fans, marami naman ang humanga sa magandang katawan niya ngayon. Labas na labas nga ang kanyang 6-packs abs.


Pero, pang-iintriga kay Jake, kaya gumanda ng ganun ang kanyang katawan ay dahil nagpaturok siya ng steroids.


“Ang sa akin naman kasi, I really work hard sa gym. Binigyan ako ng panahon, tatlong buwan para paghandaan ito. Sumakto naman, na tapos na ang Tayong Dalawa at wala akong trabaho kaya kinareer ko ta­laga araw-araw sa gym kahit itanong ninyo sa mga co-workers ko.


“Kahit may taping ako, nagdyi-gym ako. At the same, time ‘yung diet ko rin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin itinitigil ang diet ko.


“Sa taping nagbabaon ako ng tatlong de-lata ng tuna at kapag nasa bahay ako chicken o turkey o fish lang at no carbs talaga. Pampatanggal ng abs ‘yan.


“Basta, masayang-masaya ako sa katawan ko. Pero may pinagha­handaan pa akong Agimat. Gusto ko naman na maging mas malaki doon. Siyempre, pagdating ng Agimat pagbabalik ko naman ‘yun sa action from Palos. From Tayong Da­lawa, gusto ko namang ibigay ang sarili ko sa proyekto kaya nagpapalaki ako para doon,” kuwento ni Jake.


Natuwa naman si Jake sa comment ng ibang manunulat na inagawan na niya ng trono si Piolo Pascual bilang Ultimate Pinoy Hunk, dahil sa 6-pack abs niya.


“Wow! Ako naman talaga, pagdating kay Piolo, Piolo is Piolo siyempre. Pero, wala naman akong inagaw na trono sa kanya. Pero honestly, compliment sa akin `yon. Pero, Piolo is Piolo!” sagot ni Jake.

0 comments:

Post a Comment