Your Ad Here

Monday, March 8, 2010

Nancy Castiglione, umaming retokada!


Sina Rhian Ramos, Nancy Castiglione, ang drift champ na si Alex Perez at ang newest PLDT myDSL endorser na si Ton Vergel de Dios ang humarap sa entertainment press sa Watchpad Crew Search launch.

Dahil noon lamang siya muling nakausap ng entertainment press, ang pagbabago ng kanyang mukha ang itinanong kay Nancy ng mga reporter.

Bago nag-umpisa ang open forum, sinagot na ni Nancy ang tanong ng press people, na wala siyang ipinaretoke sa kanyang mukha.

Pero iba ang sagot ni Nancy nang nakaupo na sila nina Rhian, Ton at Alex sa presidential table.

Apparently, hindi inaasahan ni Nancy na muling tatanungin ang tungkol sa kanyang mukha. Nagsa­lita muna si Nancy ng “Hindi pa ba tapos (ang isyu) ‘yan?” bago siya umamin na ang kanyang ilong lang ang ipinaayos niya.

Nagkatinginan ang mga reporter na kausap ni Nancy dahil hindi nila akalain ang mabilis na pagbabago ng statement ng nagbabalik-showbiz na aktres.

Ayon kay Nancy, bukod sa ilong na ipinaayos, nagbago ang kanyang mukha dahil dalawang anak ang inaalagaan niya. Natural daw na mangarag ang kanyang itsura.

0 comments:

Post a Comment