Your Ad Here

Monday, March 8, 2010

Kasal kay Kristine sa Tate, itinanggi ni Oyo Sotto!


SA kauna-unahang pagkakataon ay magsasama ang magdyowang Kristine Hermosa at Oyo Sotto sa Precious Hearts Romances (PHR) ng ABS-CBN. At ito na nga ba ang last project nina Kristine at Oyo bilang single, dahil tuloy na tuloy na ang kasal nila?

Sa pictorial at promo shoot ng PHR presents Quikilig “Lumang Piso para sa Puso”, nagsalita na si Oyo tungkol sa ‘kasal’ umano nila ni Kristine.

“If ever na dumating ‘yung time na ikakasal kami, everyone will know. Pero kung anuman ‘yung meron kami ngayon, I just want it to be private. Pero hindi totoo ‘yun na nagpakasal na kami ni Tin sa Amerika,” sabi ni Oyo.

Anyway, ang Lumang Piso para sa Puso ay tungkol sa isang babae na dahil sa mahigpit na pangangailangan sa pera ay mapipilitang ibenta ang antique coin na pagmamay-ari ng kanyang yumaong lola. Ibinenta ito ni Sandra (Kristine) sa isang may-ari ng hobby shop at coin collector na si Dave (Oyo). Ngunit matapos magamit ni Sandra ang pera, nagsimula namang magpakita sa kanyang mga panaginip ang lola niya, na parang ipinahihiwatig na mahalaga sa kanya ang ipinagbili ng apo. Dahil desidido si Sandra na makuhang muli ang old coin ng lola, wala siyang ibang solusyon na naisip kundi nakawin ito mula kay Dave! Magtagumpay kaya si Sandra sa kanyang plano?

0 comments:

Post a Comment