Your Ad Here

Monday, March 8, 2010

Eugene Domingo, nag-init kay Wendell Ramos!


ag-init siya sa mga eksena nila ni Wendell Ramos sa SRO Cinemaserye Presents Hot Mama. Sex therapist kasi ang role niya rito na nagbibigay na advice sa sex at sensuwalidad ng tao.

“Sari-sari na ang role models ko rito. Margarita Holmes. Merong Agnes Bueno at higit sa lahat, Mr. CariƱoso! Ha! Ha! Ha!” natatawang bungad na sambit ni Uge.

Teka, eh virgin pa siya kaya paano siya nag-internalize sa role niya?

“Siyempre, pagagandahin mo ang role mo. Parang kaakit-akit! Ahhh... Hmmm... Uhhhhh Laging ganoon na para kang pinapasukan ng kung anu-ano! Ha! Ha! Ha!
“Akala mo laging sinasapian. Kasi sa radyo siya nagbibigay ng advice,” kuwento ng komedyana.
Mabuti naman at naisingit niya itong sa SRO sa dami ng kanyang ginagawa?

“Katatapos ko lang ng Working Girls at nagsimula na ako sa Here Comes The Bride. Magsisimula na rin ako kay Mother Lily. Naayos na naman (ang problema nila ni Mother Lily) sa awa ng Diyos.

“Excited din ako dahil dadaan ako sa campus ng First Time. Kaya naman! Kelan tayo magsisipag kung uugud-ugod na tayo?” sambit niya.

Paano natapos ang alitan nila ni Mother Lily?

“Basta, tapos na tapos na ‘yon? Alam mo kung kanino galit si Mot­her ngayon? Sa iyo, kasi inuungkat mo pa! Ha! Ha! Ha!” buwelta sa akin ni Eugene.

Ano ba ang ginawa nila ni Wendell at nag-init siya rito?

“Kinaya ko naman si Wendell! Pero, nag-init talaga ako! Aaminin ko, nag-init ako sa kanya! Ha! Ha! Ha! Tao naman ako, ‘no?” pag-amin ni Eugene.

Pero, wala pa ba siyang boyfriend ngayon?

“Wala! Sabi kasi nila, nai-intimidate ang mga lalaki kasi mala­kas daw ang dating ko. Artista raw. Ngayon, nananawagan ako. Huwag na kayong ma-intimidate! Puwede na kayong lumapit! Ha! Ha! Ha!” natatawang panawagan pa ni Eugene sa mga lalaki.

0 comments:

Post a Comment