Your Ad Here

Monday, March 8, 2010

Melai, excited sa halikan kay Sam Milby!


NAKAHARAP na nga nina Melisa Cantiveros at Jason Francisco sina Maja Salvador at Sam Milby, na makakasama nila sa unang pagsabak nila sa pag-arte. At nga­yon pa lang, tinutukso na si Melai sa posibilidad na maghalikan sila ni Sam.

Sabi ni Melai, excited siya sa halikan nila ni Sam, pero dahil first time raw niya, ipauubaya niya lahat kay Sam ang mga dapat gawin. Basta daw siya ay ipipikit na lang niya ang kanyang mga mata.

Anyway, tuloy ang kilig at tawanan sa Melason in Love sa ABS-CBN. Matapos makipag-date ni Jason kay Lucia, gumimik din ito kasama ang iba pang C4 boys na sina Paul Jake, Johan, at Tibo. Sumama raw ang loob ni Melai dahil sa nangyari sa boys night out. Paano susuyuin ni Jason si Melai?

0 comments:

Post a Comment