Your Ad Here

Thursday, March 4, 2010

Ehra, aminadong ‘di ka-level si Anne!


AMINADO si Ehra Madrigal na sa mga unang araw niya bilang isa sa hosts ng GMA morning program na Diz Iz It! ay nahirapan siya. Pero sa ngayon, makikita na relax na siya sa harap ng kamera, at nakakasabay na siya sa iba pang hosts na tulad nina Bayani Agbayani, Grace Lee, Sam YG/Shivaker.

“Nakakasabay na rin ako! Nu’ng una parang natitensyon ako. Iniisip kung tama ba ang spiels! ‘Yung energy at kung paano makipag-connect sa ibang hosts, sa audience. Ngayon, medyo gamay na ng konti!” pahayag niya.

Mukhang mas enjoy na siyang mag-host kesa umarte?
“Oo kasi hindi ako napupuyat masyado! Ang mahirap lang, hindi talaga ako morning person. May insomnia ako kaya hirap na hirap ako nu’ng si­mula na mag-adjust. Hirap ako bumangon, although until now, may ganoon pa rin, pero nasasanay na rin ako. Maaga pa lang nga­yon, inaantok na ako at maaga na akong nagigi­sing! Dati, hindi ako mahilig sa coffee. Sa taping kasi, may time na makakaidlip ka kung wala kang eksena. Inom lang ako ng juice. Ngayon, paggising ko, dapat may coffee na ako!” kuwento niya.

Para nga lalo pa siyang mahasa sa hosting, kumuha si Ehra ng hosting workshop kay direk Gina Alajar. Pero, ano ba ang reaksiyon ng manager niyang si Tita Annabelle Rama at mga co-artists niya sa kuwadra nito sa pagiging host niya?
“Natutuwa naman sila dahil bago raw. Pero, nu’ng una, tinatalak-ta­lakan ako ni Tita Annabelle! Ano raw ba ‘yung hosting ko? Ma­tinis kasi ang boses ko lalo na kapag nai-excite ako kaya hindi ko alam kung paano magiging malakas ang impact without magsa-sound na hindi ako energetic! When I get exci­ted, sumisigaw ako! Kaya iniisip ko kung paano ‘yung energetic ako pero hindi matining ang boses ko!” sabi pa ng sister ni Michelle Madrigal.

Teka, paano niya tinatanggap ang mga intriga sa kanya na hindi naman siya marunong mag-host at ta­lbog siya kay Anne Curtis?

“Actually, for five years, wala akong intriga. Hindi ko alam kung bakit sa show na ito, naiintriga ako! May Twitter account ako para sa fans. Eh, nang mag-pilot episode ang Diz Iz It, ang daming nag-comment.

Ngayon ko lang na-feel, ang dami kong haters! Parang pati suot ko, pinapansin. Ang daming nega! Meron pang, hindi ko raw ka-level si Anne. Teka, wait lang! Ha! Ha! Ha!

“Parang ngayon ko lang na-feel na merong ganoon talaga! Doon ako nagugulat na marami ang nagagalit!

“Nu’ng una, apektado ako. Nagkataon lang siguro na kami ni Grace ‘yung dalawang babae. Si Anne lang ang nandoon, pero wala talagang isyu! Hello, ako ba ang itapat kay Anne? Hindi talaga kami magka-level, dahil iba na ang level niya! Ako, first time lang mag-host! Mabuti naman at ngayon ay medyo wala na namang kumo-comment! Dedma na lang.

“I’m here para matutong mag-host. Makipag-connect sa audience. Doon ang focus ko ngayon. Si­yempre ngayon, mas gusto ko pang matutong mag-host. Nandiyan naman si Sam para i-guide ako.”

Ano naman ang masasabi niya sa mga nagsasabing hindi siya seksi?
“Hindi ko alam? ‘Yung iba hindi ko ma-please. Before kasi, pag payat, sabi nila, gusto nilang ‘yung malaman ako. Ako ‘yung voluptuous! Kaya hindi ko alam kung saan ako lulugar! May message sa aking mataba ako at meron naman nagsasabi na okey ang dating ko. Gusto ng iba na malaman ako. Hindi ko nga alam kung ano ang susundin ko. Basta, maintenance na lang. Huwag akong masyadong papayat o tataba! Sakto lang na proportion sa katawan ko!” sabi na lang ni Ehra.

0 comments:

Post a Comment