Your Ad Here

Thursday, March 4, 2010

Roxanne, welcome na welcome sa pamilya Yap!


PINSAN ng TV host at eventologist na si Tim Yap ang mapapangasawa ni Ro­xanne Guinoo na si Angelo Elton Yap. Very close si Tim kay Angelo dahil halos sabay silang lumaki.

Matagal na raw niyang alam na may relasyon ang kanyang pinsan kay Roxanne. Dumadalo raw ang aktres sa mga family gatherings nila.

“Kapag nakikita ko silang dalawa, lagi naman kaming naghe-hello sa isa’t isa. I just learned nga sa January 2011 na sila ikakasal because kakakasal lang ng sister ni Angelo last January lang,” sabi ni Tim.

Okey raw sa kanya si Roxanne dahil mabait ito at nararamdaman niyang gusto nitong mag-reach out sa buong pamilya nila.
“Mabait siyang tao. Siya ‘yung lumalapit para mangumusta. Nakikita ko na mahiyain si Roxanne. Pero yung effort na ‘yun ng paglapit at pag-reach out, super na-appreciate ko yun, kaya gustung-gusto ko siya. Kaya tawag ko na sa kanya ngayon ay pinsan,” nakangiting kuwento pa ni Tim.

Wala raw problema sa pagtanggap kay Roxanne dahil welcome na welcome ito sa kanila.

“She’s very welcome to our family. When Roxanne is there, parang sanay na sanay na kami sa presence niya. Kasi matagal na nga namin siyang nakakasama, nakaka-dinner, nakaka-hang out. Pag weekends sa Tagaytay with the whole family, except me, sila magkakasama talaga sila.”
Ano ang pakiramdam niya sa pag-amin ni Roxanne na buntis na ito?

“Para sa akin, basta masaya naman sila, okay na yun,” sabi na lang ni Tim.

0 comments:

Post a Comment