Your Ad Here

Thursday, March 4, 2010

Vilma, malabong ikampaniya ni Angel!


MASAYANG humarap si Gov. Vilma Santos sa entertainment press last Wednesday night. Si Mother Lily Monterverde ang nagpasimuno ng presscon na `yon, bilang suporta na rin ng producer sa kandidatura ni Ate Vi, at ni Sen. Ralph Recto

Bungad na kuwento ni Ate Vi, kagagaling lang nila sa Gawad Tanglaw Awards, na kung saan ay nanalo nga siyang best actress para sa pelikulang In My Life, at ganun din ang anak niyang si Luis Manzano na nanalo naman bilang best supporting actor para pa rin sa In My Life.

“I was excited when I got the best actress award. Pero siyempre, umiral ‘yung pagka-nanay ko, first time. Na-excite ako sa anak ko. Marami na rin siyang award pero sa hosting. Pero ito, acting award. I’m very-very proud of him,” say ni Ate Vi.

Kasama ni Ate Vi sa presscon na `yon ang bunso niyang anak na si Ryan Christian na 13-years old na ngayon. Sa tingin ni Ate Vi ay mas mahilig sa pulitika si Ryan kesa sa showbiz.

“Mukhang may leaning sa politics. Nakikita niya sa klase ng trabaho ko, kaya ‘yun parang nai-influence siya. Baka politics din? Puwede rin siya sa showbiz, dahil mahilig din siya. Pero, bahala na kung saan niya gusto. We will support him all the way,” pahayag pa ni Ate Vi.

Siyempre, natanong di si Ate Vi tungkol sa nalalapit na pagbabalik ng Pilipinas ng kumare niyang si Nora Aunor, at pati na sa pagpapaayos ng mukha nito sa Japan.
“Hindi lang naman si Mare ko ang gumawa niyan. Marami nga riyan not for anything mas bata sa akin nagpapaayos na. There’s nothing wrong with that. Ako kung sa tingin ko kailangan na bakit naman hindi? Walang masama na i-enhance mo ang beauty mo,” sabi niya.

Buong-puso raw na iwi-welcome ni Ate Vi si Ate Guy sa pababalik nito sa bansa.

“Oo naman, welcome na welcome siya. Nu’ng nagkaroon kami ng premiere night ng In My Life sa States, nagkausap kami. Dapat manonood siya, kaya lang biglang nagkaroon ng bisita sa kanila. Kaya ang pinapunta niya ay ang mga close friends niya. May communications kami.”

Handa pa rin daw siyang tuparin ang napag-usapan nila ni Nora na siya mismo ang susundo sa superstar sa airport.

“Kung tatawagan niya ako, susunduin ko siya. Dadalhin ko siya sa Batangas! Ha! Ha! Ha! Ha! Biro lang. ‘Yun ang usapan namin. Alam niya ang number ko.”

Isa nga raw sa mga gusto ng Superstar ay ang makagawa sila uli ng pelikula ni Ate Vi. Gusto rin daw ni Ate Vi, pero hindi raw niya alam kung kailan mangyayari `yon.

“Sa totoo lang gusto ko talagang gumawa ng mara­ming movies. In fact ang daming naka-line up. Ang nangyayari ngayon priority. Ang priority ko kasi still ay ‘yung pagiging public servant.”
Siyempre, inusisa na rin ng media ang tungkol sa Malabo na talagang magkabalikan pa ang anak niyang si Luis at si Angel Locsin.

“Basta ang alam ko matiyaga ang anak ko. Pero kung anuman ang mangyari, respect lang. Gusto ko kung matapos man o magkabalikan man, maiwan lang ang respeto nila sa isa’t-isa dahil may pinagsamahan sila. Sabi nga nila, don’t burn bridges.”

“I don’t want to meddle sa kanila. Nagkakausap kami pag magkasama, but to tell them what to do, ayoko,” dugtong na sambit pa ni Ate Vi.

Anyway, si Ate Vi na rin mismo ang nagsabi na ma­labong ikampaniya siya ni Angel.
“Wala! Dahil hindi rin naman ako nag-i-invite. Ah, kasi pag may nangampanya sa iyo dapat nanggagaling sa puso nila kasi naniniwala sila sa iyo. So, hindi pa namang namin napag-uusapan. Saka hindi pa naman start ang local campaign. Sa March 26 pa,” sabi na lang ni Ate Vi.

0 comments:

Post a Comment