Your Ad Here

Thursday, March 4, 2010

Ruffa, bagong reyna ng TV5!


Si Ruffa Gutierrez na nga raw ang magiging bagong Reyna ng TV5. Kahit masasabing maganda naman ang mga nangyayari sa kanya sa ABS-CBN especially bilang co-host ng The Buzz, nakapagdesisyon na nga ito at noong Miyerkules ng 4:30 ng hapon ay pumirma na ng kontrata sa TV5.

Kasama ni Ruffa na dumating sa PLDT Main Building sa Makati ang kanyang ina at tumatayong manager na si Annabelle Rama. Present sa naturang contract signing ang bagong may-ari ng TV5 na si Manny V. Pangilinan.

Ine-expect ng ilang nakasaksi ng contract signing na kasama na rin ni Ruffa si JC de Vera, another Royale Era talent sa signing of contract, pero, wala ang huli.

Anyway, non-exclusive naman daw ang kontratang pinirmahan ni Ruffa sa TV5. Ibig sabihin, puwede pa rin siyang mapanood sa ibang network. ‘Yun nga lang, pagdating sa The Buzz, mawawala na ito at ang nakarating sa aming balita, hanggang sa susunod na Linggo na lang siya mapapanood doon.

Hindi pa masabi sa amin kung ano ang mga programang gagawin ni Ruffa sa TV5, pero, sigurado raw na bukod sa TV, may movie rin itong gagawin. Puwede naman daw mag-guest si Ruffa sa ibang network as long as hindi kasabay ng magiging shows niya sa network.

0 comments:

Post a Comment