Your Ad Here

Wednesday, March 17, 2010

Choreographer ni Beyonce, pasok sa Party Pilipinas!


Bonggang-bonggang ang upcoming variety/musical program na Party Pilipinas dahil darating sa bansa ang international choreographer na si Ruben Monet na mas kilala bilang Fusion. Ngayong araw na ito nakatakdang duma­ting si Ruben, at didiretso siya agad sa GMA 7 para pag-usapan ang mga dapat niyang gawin sa bagong Sunday show ng GMA.


Kilala si Fusion sa buong mundo bilang top choreographer, dancer at hip-hop teacher. Idagdag pa na si Fusion ang founder ng Kung Fu hip-hop at tinaguriang Diddy of the Dance World at Grand Master Choreographer.


Kabilang sa mga international artists na tinuruan niya at sinamahang mag-tour at mag-perform ay sina Beyonce, Akon, Pudd Diddy, Missy Elliott, Ludacris, Justin Timberlake, Backstreet Boys, Will Smith at marami pang iba.


Abangan at kilalanin ang international choreographer na si Fusion ngayong Marso sa Party Pilipinas ng GMA.

0 comments:

Post a Comment