Your Ad Here

Wednesday, March 17, 2010

Mommy D. pinagsawaan na; Kris Aquino mas naging nega!




Seen : Nagkamali ng diskarte si Kris Aquino. Negative ang mga feedback sa pilit na pag-iyak niya sa The Buzz.

Scene : Hindi sincere ang paghingi ni Kris Aquino ng apology sa mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez. Nanggaling sa bibig ni Kris na sinabihan siya ng kanyang ate na mag-sorry upang matapos na ang isyu. Nag-sorry daw siya kahit alam niyang wala siyang kasalanan na ginawa.

Seen : Hindi pa hinog si Jiggy Manicad upang maging news anchor. Kulang siya ng authority sa paghahatid ng mga balita.

Scene : Ang may-ari ng cellphone number 09052919057 ang nagpapadala sa entertainment press ng mga text message ng paninira sa mag-asawang Senator Mar Roxas at Korina Sanchez.

Seen : Walang nangyari sa mga reklamo ng National Historical Institute laban sa mga umawit ng Philippine National Anthem sa mga nakaraang laban ni Manny Pacquiao. Nagpapakontrobersyal ang NHI dahil wala pang resulta ang kanilang mga aksiyon.

Scene : Magsisimula sa June 2010 ang Survivor Philippines Celebrity Edition. Thirty-nine days na ma­nanatili sa isang isla ang celebrity castaways.

Seen : Ang kawalan ng interes ng mga tao sa reaksiyon ni Dionisia Pacquiao sa huling laban ng kan­yang anak. Naglaho na ang “novelty” ni Dionisia.

Scene : Live mula sa Boracay ang ASAP sa Linggo. Lilipad sa Boracay sa Biyernes ang all-star cast ng ASAP.

0 comments:

Post a Comment