Your Ad Here

Wednesday, March 17, 2010

Jolina, naka-jackpot kay Akihiro!


MUKHANG adjusted na ang mga tao sa ala-Lady Gaga na image si Jolina Magdangal ngayon. At paunti-unti, masasabi nga na bagay na rin sa kanya ang ganung itsura.


“Thank you! Ha! Ha! Ha!


“’Yung bagong image naman, siguro ‘yung iba nalilito lang. Kasi parang bagong image ba? Parang ‘yung dati na. Sa totoo lang, ang masarap sabihin, hindi re-launch, eh. Re-live! Kasi naggaganito na ako dati.


“So, mas mature at siguro, para talagang mas walang pakialam. Kahit negative na ang sinasabi, okey lang. Hindi ko naman sila sinasaktan. Saka kanya-kanya namang opinion ‘yan, eh,” paliwanag ni Jolina.
Pero sa Panday Kids ay simpleng Jolina pa rin ang nakikita.


“May transformation na mangyayari, pero sa ngayon, costume din ng isang manghuhula ang suot ko.

Pero tingnan natin kung ano ang magiging hitsura ng transformation ko,” sambit ng young actress.


Naku, kinaiinggitan na siya ngayon dahil ang Brazilian-Japanese model na si Akihiro Sato ang kanyang love interest sa series! Naka-jackpot nga siya kay Akihiro, ha!


“Napakatangkad pala ng taong ‘yon! Saka, very cheerful siyang tao. Kahit hindi niya naiintindihan ang Tagalog at nakikita niyang nagtatawanan kami, sa words, nakikitawa siya. Saka mabait siya at nagta-try mag-Tagalog,” sey niya.


Bukod sa Panday Kids, magiging bahagi rin si Jolina ng Party Pilipinas na kapalit ng SOP na una na niyang inalisan.


“Hindi naman ako umalis sa SOP. Nag-leave muna ako. Mahaba-habang usap-usapan ‘yon at miting-mitingan saka may plans na nangyayari that time. Naging plano na rin kasi namin ni Perry (Lansingan, her manager) ‘yung pag-relive ng outfit. Kumbaga, may theme kami talaga. So, I don’t think na parang umalis, nagpaalam, bumalik, hindi ganoon. Talagang nakaplano ‘yon tapos, may launching.

Kumbaga, may magazine din akong bago at tinayming na rin namin ‘yon,” paliwanag ni Jolens.


Ano ang parte niya sa bagong Sunday show ng GMA?


“Alam ko, pagmimiti­ngan pa pero nae-excite ako nang sobra sa production number na gagawin ko if ever na mapagdesisyunan na namin kung ano ang gagawin. Every Sunday, itatrato ko siyang something special. Parang this is it or not,” rason niya.


Eh, ano naman ang reaksyon niya sa pagbubuntis ng kaibigang si Judy Ann Santos?


“Hindi pa kami nagkita pero nabalitaan ko nga lang. Gusto sana ko siyang itext. Siguro mamaya tawagan ko siya. Tatanungin ko ang feeling niya at kung ano ang kinabibisihan niya ngayon. O baka nakaupo lang siya!


“Masaya ako kasi nu’ng time na nag-reunion ang Gimik at nag-dinner kami, alam ko ‘yun na lang ang kulang. Pinaghahandaan niya ‘yan. Ako, kumbaga, kung may puwedeng magawa as a friend , nagawa ko na. Pero sila naman ‘yon, di ba? Natuwa ako nu’ng first time kong narinig. Finally, this is it na for Juday!” pahayag ni Jolina sa kalagayan ng kaibigan.


Eh, kelan naman siya ikakasal at mabubuntis?


“Wala pa, eh. Kasi parang masyado pang maaga. Ayo­ko naman kasing magpakyut na hindi pa namin planado ‘yan. Maaga pa kasi to tell!” katwiran na lang ni Jolens.

0 comments:

Post a Comment