Your Ad Here

Saturday, April 10, 2010

Kris, aagawin ni Carl kay Aljur


Pantasya na raw ng mga bading at babae ngayon si Carl Guevara, lalo na at nalantad na ang makisig na katawan niya sa April issue ng Men’s Health Ma­gazine. At lalo raw pagpapantasyahan si Carl ng mga bading at babae kapag lumabas na ang billboard niya para sa Bench jeans.


Inamin ni Carl na pinaghahandaan na rin niya ang underwear fashion show ng Bench sa July 2 sa Araneta Coliseum.


“Tungkol sa pantasya ng mga bading at babae, kung mangyayari man ‘yun, I’ll be flattered dahil kung nagugustuhan nila at humahanga sila, ibig sabihin, maganda naman ang nagawa ko. And natuwa rin ako kasi sa sinabi ng editor-in-chief ng Men’s Health Magazine na nagandahan din sila sa story ko,” bungad na paha­yag ni Carl.


Anyway, wala namang magagalit kung pagpantasyahan man si Carl ng mga babae at bading ngayon, dahil single raw siya mula nang mag-break sila ni Daiana Meneses.


At dahil naka-move on na siya sa nangyari sa kanila ni Daiana, happy raw siya kung happy daw si Daiana ngayon sa rumored boyfriend nitong si Sam YG.


“Okey naman kami. Ilang beses na rin kaming nagkita sa GMA and noong unang umere ‘yung Dear Friend, natuwa naman ako when he texted me at nag-congrats siya sa akin.


“Pero ngayon, mas na-realize ko na tama ‘yung na­ging desisyon namin dahil mas okey ako ngayon na ang focus ko lang talaga career ko.”


Wala raw siyang nililigawan at hindi rin naman daw niya nami-miss ang magka-girlfriend.


“Pero, marami akong nagugustuhan na magagan­da, like sa GMA na lang, ang daming magaganda.

Sina Heart Evangelista, Rhian Ramos, Kris Bernal, ang dami nilang magaganda! Pero hanggang pagha­nga lang naman.”


Hindi naman kami magtataka kung mali-link din siya kay Kris dahil isa siya sa mga bagong pasok sa The Last Prince at magiging ka-triangle nina Kris at Aljur. Aagawin ba ni Carl si Kris kay Aljur?


“Sana huwag namang lumabas na kontrabida ako, kasi trabaho lang naman po. At saka, wala po akong planong agawin si Kris kay Aljur.


“Kung nasabi ko man na maganda si Kris, natural lang naman po siguro ‘yun dahil maganda naman siyang talaga. Hindi naman siguro magagalit si Aljur at kaibi­gan ko rin naman po si Aljur,” sey na lang niya.

0 comments:

Post a Comment