Your Ad Here

Tuesday, March 9, 2010

Sorry ni Kris, ‘di tanggap ni Annabelle!


NILINAW ni Annabelle Rama na hindi nag-walk out sa The Buzz noong Linggo ang kanyang anak na si Ruffa Gutierrez. Ayon kay Annabelle, siya ang nagsabi kay Ruffa na umalis na lamang ito sa studio nang umiiyak na tawagan siya sa telepono ng kanyang anak para sabihin ang mga pambabara na ginagawa ni Kris, bago pa man nagsimula ang The Buzz.Sinabi ni Annabelle na hindi nakita ng televiewers ang mga behind-the-scene kaya madali sa kanila na maghusga laban kay Ruffa.


“Nagagawa nga ni Kris na hiyain sa national TV ang kanyang asawang si James Yap, ang anak ko pa kaya? Nanay ako kaya nasaktan ako para sa anak ko. Nanay rin si Kris, siguradong masasaktan din siya kapag may nang-api sa kanyang mga anak.


“Dapat magpasalamat si Kris sa akin dahil ako ang kanyang wake-up call. Ako ang nagsasabi na sobra na ang kanyang pagiging bratty.
“Hindi totoo na sinisiraan ko si Noynoy. Ang sabi ko, hindi pa nagiging president si Noynoy, ang yabang-yabang na ni Kris. Paano kung naging presidente ang kapatid niya?


“Hindi ko siniraan si Noynoy. Nagre-reflect sa kanya ang mga ginagawa ni Kris. Parang ako rin, nagre-reflect sa mga anak ko ang ginagawa ko kapag nakikipag-away ako, pero never akong nag-umpisa ng away. Lumalaban lang ako kapag inaapi ang mga anak ko.


“Ako, nanay ako, nagdurugo ang puso ko kapag si Ruffa umiiyak na sa bahay. Pag-uwi ni Ruffa sa bahay, umiiyak na lang sa akin. Ang sabi, ‘Ma, binabara na naman ako ni Kris.’ Siya nga inaaway ko. Sabi ko, ‘Bakit hindi ka lumalaban, Ruffa?


“Bakit hindi ka lumalaban sa Kris Aquino na ‘yan? Sino ba siya?’ Hindi pa nga nananalo kapatid niya, e, yabang-yabang na niya. What more kung manalo si Noynoy, e, ‘di lalo lahat ng showbiz api-apihin niya? Hindi naman tama ‘yan!


“Ipinapa-review ni Kris sa mga tao ang The Buzz noong Linggo, eh hindi naman nakita ng mga tao ang nangyari bago nag-umpisa ang show? Nilapitan at nag-kiss si Ruffa sa kanya pero hindi niya pinansin.

Panay pa ang parinig ni Kris at tinitingnan niya ang anak ko ng mula ulo hanggang paa.


“Kung rerebyuhin ang mga nakaraang episodes ng The Buzz, makikita ng mga tao na matagal nang binabara-bara ni Kris ang anak ko!


“’Yan ang dahilan kaya pinull out ko si Ruffa sa The Buzz. Hindi ko ma-take na every Sunday, eh binabara siya palagi ni Kris kaya palagi kaming nag-aaway ni Ruffa. Sabi ko, ‘Bakit hindi ka lumalaban kay Kris? Sino ba siya?’


“Hindi pa nga nananalo si Noynoy as president, e, ang yabang-yabang na niya! What more kung nanalo pa si Noynoy? E, di kawawa lahat ng artista, lalong-lalo na ‘yong mga maliliit na nag-uumpisa pa lang.


“Kaya ako nananawagan sa taong bayan, huwag n’yo iboboto si Noynoy kasi hindi pa nga nananalo si Noynoy, e, ang yabang-yabang na ni Kris. Akala mo siya ang may-ari ng showbiz!”


“Wala akong pakia­lam sa sinasabi ni Kris na galit ako sa kanya dahil endorser ni Noynoy si Dingdong Dantes. Huwag niyang ilihis ang isyu! Sinasabi niya na may hidden agenda kami? Siya ang may hidden agenda!


“Ang totoo, si Kris ang galit sa akin. Tatlong beses niya akong inimbita para makipag-dinner kay Noynoy, pero tumanggi ako dahil hindi pa ako decided kung sino ang iboboto ko.


“Nag-apologize agad si Kris kay Ruffa para ako ang magmukhang kontrabida. Siyempre nga naman, sasabihin ng mga tao na nag-apologize na nga si Kris, nang-aaway pa rin ako!” tuloy-tuloy na pahayag ni Annabelle.

0 comments:

Post a Comment