Your Ad Here

Tuesday, March 9, 2010

Katrina sa TV5, hinarang ng GMA 7


MUKHANG nasa bakuran pa rin ng GMA 7 si Katrina Halili at hindi pa siya lumalayas. Sabi, napigilan daw ng Siyete ang paglipat ni Katrina sa TV5.


Nagpahayag nga ng kanyang disappointment si Katrina sa kanyang mot­her station dahil sa kawalan niya ng proyekto. Matagal na nga raw tapos ang Darna pero wala pa raw siyang natatanggap na anumang bagong project mula sa Kapuso network.


Since wala na ngang kontrata si Katrina sa GMA 7 ay naisipan na raw nitong maghanap ng trabaho sa ibang istasyon at ang TV5 nga ‘yon.


Ayon sa aming source ay maayos daw na naki­pag-usap si Katrina sa mga taga-Singko at pirmahan na lang ng kontrata ang kaila­ngan. In fact, dapat ay magsu-shoot na siya ng station ID for TV5. Pero pinigilan nga raw siya ng GMA 7.


Tinapatan nga raw ng GMA 7 ang offer ng TV5. After all nga naman daw, produkto ng Kapuso si Katrina at nakakapanghina­yang naman na pakawalan ito. Kaya lang naman daw natagalan bago siya ma­bigyan ng proyekto ay dahil pinag-iisipan pa kung ano ang babagay sa kanya.


Kaya hindi na nga makiki-shake si Katrina sa Singko dahil certified Kapuso pa rin siya.

0 comments:

Post a Comment