Your Ad Here

Friday, March 26, 2010

Pagpapakasal ni Sunshine wala lang...; Partner ni Nora hitsurang matanda na!


een : Ang pasasalamat ni Anne Curtis sa lahat ng mga nagtatanggol sa kanya at nagpadala ng encouraging words dahil sa “nipple slip” incident na nangyari sa ASAP XV sa Boracay noong Linggo.

Scene : Co-passenger ni Gary Valenciano sa eroplano na papunta sa Pilipinas ang international singer na si Justin Timberlake. Asahan ang mga interview kay Gary tungkol sa magkasabay na flight nila ni Justin.

Seen : Ang Smart ang major sponsor ng concert ni Jojo na guest si Justin Timberlake sa Mall of Asia Concert Grounds. Nagpakita si Justin sa grand relaunch ng TV5 dahil sister company ito ng Smart.

Scene : Malamig ang response ng mga tao sa balita na nagpakasal si Sunshine Dizon sa kanyang boyfriend. Parang wala lang...

Seen : Ang rebelasyon ni Cesar Montano na bumabaha ang pera sa Bohol mula sa political opponents niya.

Scene : Hindi dapat bigyan ng importansiya ng mga programa ng ABS-CBN ang mga pahayagan na naglalabas ng mga kontrobersiyal na larawan ng kanilang mga contract star.

Seen : Ang Indian actor na si Sajid Khan ang escort ni Nora Aunor nang tanggapin nito ang Best Actress of The Decade trophy ng Green Planet Movie Awards. Naglaho na ang matinee idol look ni Sajid.

Scene : Ang part 2 ng ASAP XV sa Boracay ang mapapanood sa Linggo. Ipa­lalabas dito ang pinag-uusapan na dance number nina Sam Milby at Anne Curtis na nag-take 2 dahil sa nipple slip ng aktres. Ang Part 2 ng Boracay show ang itatapat ng ASAP XV sa magsisimulang Party Pilipinas.

0 comments:

Post a Comment