Your Ad Here

Friday, March 26, 2010

Aljur, my iba ng mahal?


‘Yan na nga ba ang nakakatakot sa isang love­team, kapag nagsimula nang ma-in love ang pareha sa isa’t isa o maging sa iba. Worst, kapag na-in love sila sa iba!

Katulad ng balitang love ni Aljur Abrenica ang apo ng nagmamay-ari ng SM. Kung noon ngang wala pa siyang love eh, hindi na siya sweet kay Kris Bernal, kapag wala sa harap ng kamera, eh di mas lalo na ngayon.

Sayang kung mabubuwag ang loveteam nila dahil siyempre ayaw ng fans na may kapareha silang iba. Kailangan siguro, sakripisyo muna. Huwag munang ma-in love. O baka naman ready na silang mag­hiwalay.

Hindi na bago ang ganitong pangyayari sa show­biz. Bago naman siguro sila nagtambal, alam na nila ang dapat nilang asahan sa kanilang tandem, may dapat isakripisyo kapalit ng kanilang loveteam. Marami ngang loveteam ang mas pa rito ang gagawin mag­tagumpay lamang.

0 comments:

Post a Comment