Your Ad Here

Friday, March 26, 2010

Anne Curtis, maya’t maya kung umiyak


MARAMI ang naniniwala na hindi sadya ang nangyari kay Anne Curtis sa Boracay kamakailan. Aksidente nga ito, o `yung tinatawag nilang wardrobe malfunction.


Pero, may mga tao na sadyang malawak ang imahinasyon. May mga nagpapakalat ng kuwento na kesyo sinadya ang eksenang `yon, na lumantad ang kanang dibdib ni Anne sa production number nila ni Sam Milby para sa ASAP XV, para daw pag-usapan ang pelikula nilang Babe, I Love You, ng Star Cinema.Sabi ng mga taong malisyoso, gimik lang ang lahat para mapag-usapan ang movie nilang dalawa. Wala raw kasing masyadong reaksyon ang mga tao sa trailer ng movie nina Sam at Anne, kaya kailangang gumawa ng gimik.


Hindi raw kasi bumenta ang promo slant na naudlot ang pagbabalikan nina Anne at Sam, at paulit-ulit na lang daw kasi ang kuwento tungkol sa mga sweet moments ng dalawa.


Pero sa aking pananaw, hindi kailangan ni Anne ang ganung gimik para kumita ang movie nila ni Sam.

Base sa mga taong malapit kay Anne na nakakatsikahan namin, sobrang apektado talaga si Anne sa nangyari sa kanya, lalo na at kalat na sa Internet ang mga larawan at videos na kung saan ay nalantad nga ang kanyang dibdib.


Sabi pa ng mga katsika namin, maya’t maya kung umiyak si Anne dahil sa nararamdamang kahihiyan.

At kahit si Sam daw ay hindi alam ang gagawin para mapagpalubag ang kalooban ni Anne.


Pero, bilib na bilib din ang staff ng ASAP kay Anne, dahil wala raw itong sinisising ibang tao sa nangyari sa kanya. Kung tutuusin, puwede raw sisihin ni Anne ang naka-assign sa wardrobe niya.


Ang mga wardrobe consultant o stylists kasi ang pumipili ng damit na isusuot ng mga artista. At sila rin ang nagtsi-check kung safe ba ang damit o hindi.


Pero, sa halip na manisi nga ng ibang tao, ipinagdiinan pa raw ni Anne na aksidente talaga ang nangyari at walang dapat sisihing ibang tao.


Bagama’t may mga nakakakita kay Anne na pangiti-ngiti na ngayon, sabi pa ng taong katsikahan namin, kapag naiisip daw nito ang pagkalat sa Internet ng mga larawan at videos niya na lantad ang kanyang dibdib, bigla na lang daw itong umiiyak.


Kaya patuloy ang pakiusap ni Anne sa mga tao na huwag nang ikalat pa ang mga larawan at videos.

Pero, mukhang imposible ang hiling na `yon ni Anne, dahil habang umiingay ang kuwento tungkol sa wardrobe malfunction na nangyari kay Anne, lalo yatang marami ang nagkakainteres, at lalo yatang ikinakalat ng ibang tao ang mga kuha nila.


Well, wish na lang namin kay Anne na sana ay kumita ang movie nila ni Sam, bilang pakunswelo sa nangyari sa kanya. Ang pagkita sa takilya ng Babe I Love You, ang siguradong makakapagpasaya kay Anne ngayon.

0 comments:

Post a Comment