Your Ad Here

Friday, March 26, 2010

Beauty queen din, Yilmaz ni Ruffa pakakasal na sa iba


Nakabantay sa mga international airport ang mga reporter at TV crew dahil sa pag-asa na darating si Yilmaz Bektas pero walang makapagsabi kung natu­loy o matutuloy ang kanyang pagdating.

Ganyan ang eksena, ilang taon na ang nakalilipas. Nagpuyat ang mga TV crew sa pagbabantay sa NAIA at sa condo building na dating tinitirhan ni Ruffa Gu­tierrez sa The Fort pero walang lumitaw na Yilmaz.

In fairness, dumating naman noon ang ex-hus­band ni Ruffa pero ibang araw nga lang at pumayag siya na magpainterbyu sa mga reporter na nag-abang sa airport.

Hot copy si Yilmaz dahil sa news na lumabas na isang newspaper sa Turkey na magpapakasal sila ni Zuleyka Rivera sa June 21.

The who si Zuleyka? Siya ang nanalo ng Miss Universe crown noong 2006. Mahilig talaga si Yilmaz sa mga beauty queen dahil ex-beauty queen si Ruffa.

Matagal nang naka-move forward si Ruffa. Sa ti­ngin ko, hindi na siya maaapektuhan ng balita na magpapakasal uli si Yilmaz. Para que pa’t ipinapa-an­­nul niya ang kasal nila ni Yilmaz kung type niya na magkabalikan sila?


Pang-showbiz talaga si Ruffa. Gustuhin man niyang manahimik, hindi puwede dahil siya ang hinahabol ng mga intriga at kontrobersiya.

Ilang linggo nang siya ang laman ng mga ent­er­tain­­ment page at columns at karamihan sa mga isyu, hindi niya kagustuhan na mangyari. Mali ang akala ng ibang mga intrigera na gumigimik si Ruffa para ma­pag-usapan.

Sino ba ang umiyak sa The Buzz? Si Ruffa ba? Kitang-kita naman sa video clip na uminom ng kape si Ruffa bago tumayo dahil ayaw nga niya na makita sa TV ang kanyang pag-iyak dahil sa mga pambabara ni Kris.

Hindi nanggaling kay Ruffa ang balita na mag­pa­pa­kasal si Yilmaz dahil lumabas ito sa mga diyaryo sa Turkey. Gustong malaman ng media ang kanyang re­ak­­siyon dahil ex-wife siya ni Yilmaz at meron silang dalawang anak.

0 comments:

Post a Comment