Your Ad Here

Wednesday, April 7, 2010

Aktres biglang ayaw nang maka-partner ang BF


Kumpirmadong break na ang magandang ak­tres na anak ng itinuturing na music icon at BF nitong produkto at winner ng reality search turned actor dahil bonggang-bongga nitong tinanggihan na makapareha ang binata sa pagbibidahan niyang afternoon soap.

Dapat ay ang actor ang kapareha ng aktres sa soap dahil klik ang huli nilang pinagtambalan at tang­­gap ng viewers ang loveteam nila. Pero laking gulat ng staff ng show dahil ayaw ng aktres na ma­ka­pareha ang binata at ‘di na nag-explain kung bakit.

No choice ngayon ang staff kundi maghanap ng aktor na itatambal sa aktres. Nakarating na sa binata ang pagtanggi ng aktres na siya’y maka­pareha at ang alibi na lang nito’y may ibang project na hinihintay ang management niya para sa kanya.

Hindi inamin ng magandang aktres at aktor ang kanilang relasyon, pero obvious na naging sila’t laging binabanggit ng aktres ang pangalan ng aktor sa kanyang Twitter account, pati kung saan sila pumupunta, kaya nalalamang lagi silang magka­sama.

Napansin ng followers ng aktres sa Twitter na after Valentine’s Day, she stopped mentioning the guy’s name at ‘di na rin sila nakikitang magkasama. Walang nagkukumpirma sa tsikang break na sila, hanggang lumabas ang balitang ayaw makatra­baho ng aktres ang baguhang aktor at winner ng isang reality show.

0 comments:

Post a Comment