Your Ad Here

Wednesday, April 7, 2010

Rochelle, lalayasan na si Joy Cancio?


PINABULAANAN ni Rochelle Pangilinan ang balitang aalis na siya sa poder ng kanyang manager na si Joy Cancio at magpapa-manage na siya sa isang TV executive ng GMA-7.


Pero sabi ni Rochelle, masaya siya sa pagma-ma­nage sa kanya ng Focus E ni Joy Cancio.“Para naman yatang hindi mangyayaring iwan ko si Ate Joy,” say ni Rochelle.


“Marami na kaming pinagdaanan ni Ate Joy at ng Sexbomb. Sa simula pa lang, kami na ang magkakasama. Noong mawala kami before sa Eat Bulaga, magkakasama pa rin kami at walang iwanan.

Kumbaga, tried and tested na ang samahan naming lahat.


“So bakit pa ako mag-iisip na iwan si Ate Joy? U­nang-una masaya ako sa mga nangyayari sa career ko. Hindi ako nawawalan ng trabaho. At kapag may request ako kay Ate Joy tulad noong gusto kong gumawa naman ng primetime na show, nagawa naman niya.


“Kaya walang rason at walang dahilan para iwan ko siya. Para ko nang pangalawang ina si Ate Joy. Lola na nga ang tawag namin sa kanya, eh.


“Kung ano man ang narating ko ngayon, utang na loob ko ‘yan kay Ate Joy at sa Focus E. Kaya mali ang nasulat na ‘yan. Obvious na hindi niya alam ang magandang samahan namin ni Ate Joy.”


Binalita rin nga ni Rochelle na magpipirmahan na nga ulit sila ng kontrata sa Focus E.


“Yung kontrata kasi, parang formality lang naman since may opisina nga si Ate Joy at business iyon, eh. Kailangan ng mga papers talaga. Pero kung sa akin lang, wala nang ganyang kontrata dahil alam naman niyang hindi ko siya iiwan.”


Bida nga pala si Rochelle sa Daisy Siete: Season 26 (Adam Or Eve).

0 comments:

Post a Comment