Your Ad Here

Wednesday, April 7, 2010

Christopher, naiyak sa pagbubuntis ni Gladys!


SIX weeks na nga ang ipinagbubuntis ni Gladys Reyes ngayon na ikatlong anak nila ng asawang si Christopher Roxas.


“Unexpected siya kasi akala ko, matatagalan bago ako magbuntis ulit dahil after kong ipanganak si Aquisha, naging polycystic ang right ovary ko. ‘Pag ganu’n, medyo mahihirapang magbuntis.


“Kaya ‘yung O.B. Gyne ko, niloloko si Christopher na matindi nga raw ang kamandag, parang may itak, considering na may polycystic ako, nakabuo pa rin,” kuwento ni Gladys.


Unexpected man, masaya ang mag-asawa dahil sa blessing na natanggap nila. Magtu-2 years na rin kasi ang pangalawa nila kaya tamang-tama lang ang pagbu­buntis niya.


Pareho ng O.B. sina Gladys at Judy Ann Santos, si Dra. Florendo. Siya raw ang nag-refer kay Juday kay Dra. Florendo.


“Siguro, mauuna lang si Juday sa akin ng one month, parang October yata ang due date niya. Ako, hindi ko pa alam dahil hindi pa ako nagpapa-ultrasound, pero, posibleng November.


“Mas marami kaming napagkukuwentuhan ni Juday ngayon dahil comparing notes talaga kami. ‘Yun nga lang, kahit first pregnancy pa lang ni Juday nga­yon, parang mas lumalabas, mas maselan pa yata ako sa kanya. Mas ang dami kong nararamdaman na kaka­iba, nahihilo, nasusuka. Eh, si Juday, ang gaan niyang maglihi.”


Hirit pa ni Gladys, napagkuwentuhan na rin daw nila ni Juday na kung sakaling parehong girl ang ipinagbubuntis nila, puwede nilang pangalanan na Mara at Clara ito. Hango sa kanilang first soap-opera na masasabing nagsimula ng pareho nilang pagsikat.


Anyway, naging emosyunal pa rin daw si Christopher nang malamang buntis siya.


“Umiyak siya. Parang first time dad. Siguro, hindi lang niya sinasabi, baka nag-iisip din siya na nang maging polycystic ako, hindi na ako mabubuntis. Si­yempre, ayaw rin namin ng dalawang anak lang.”


Timing din daw na nag-last taping day na sila for Habang May Buhay.

0 comments:

Post a Comment