Your Ad Here

Friday, March 12, 2010

Noynoy, type ipa-botox ni Kris!

Hanggang ngayon, hindi nagbabago ng pananaw si TV host Kris Aquino-Yap tungkol sa planong ipa-botox si Liberal Party standard bearer Benigno “Noynoy” Aquino III.

Kung si Kris Aquino ang masusunod, nais niyang ipa-botox ang kuyang si Noynoy, para magmukhang bata at mawala ang kumukunot na balat sa mukha.

Bago magsimula ang pinakamalaking rally noong Miyerkules ng gabi kung saan tinatayang 80 libo katao ang dumalo sa Joaquin Enriquez Memorial Sports Complex, muling iginiit ni Kris na importante ang pananamit at hitsura ng isang tao kaya’t inirekomenda niyang ipa-botox si Noynoy.

“Kasi kung napansin ninyo malaking bagay ang pananamit at hitsura mo sa pagharap mo sa tao.

Actually in-advise ko siya kung gusto niyang magpa-botox,” sabi ni Kris.

Sakabila ng rekomendasyon, mabilis na binara ni Noynoy ang plano ng nakakabatang kapatid.

Naga­galit nga raw si Noynoy ‘pag pinakikialaman o ini-experiment ang kanyang mukha.

Naikuwento rin ni Kris na ginuguwardiya­han niya si Noynoy kapag ginugupitan ito. Sinisi­guro raw niyang maa­yos ang hitsura ng senador tuwing gumagawa ng political advertisement o commercial.

Madalas nga raw sa­bihin sa kanya ni Noynoy na ginagawa niya itong kamukha ni John Lloyd Cruz, dahil sa sobrang pakikialam nito.

Anyway, dahil sa ma­tinding pagod sa kampanya ng kanyang kuya, siya umano ang nagbibigay ng “lighthearted moments” dito.

“’Yun ang nabibigay ko sa kanya. Tina-try namin na every Sunday kun­di lunch, dinner kami, kasama ang mga anak ko,” ani Kris.

Sinisi­guro rin ni Kris na kapag nanalong presi­dent si Noynoy, wala raw siyang balak na umaktong first lady ng bansa.

0 comments:

Post a Comment