Your Ad Here

Friday, March 12, 2010

Ruffa, ‘di na sisipot sa ‘The Buzz’!


GOOD for three years ang exclusive contracts sa GMA Network na pinirmahan kahapon ng mga talent ni Annabelle Rama. Sabay-sabay na pumirma ng kontrata sina Raymond Gutierrez, TJ Tri­nidad, Ehra Madrigal, Ynna Asistio at Bubbles Paraiso.


Present sa contract signing sina GMA 7 big bosses Atty. Felipe Gozon at Jimmy Duavit.


Sa naturang contract signing, sinabi ni Annabelle na maganda ang relasyon nila ng kanyang mga alaga sa GMA Network management kaya nag-renew sila ng kontrata.


Pinabulaanan din ni Annabelle ang balita na magre-report pa rin si Ruffa Gutierrez sa The Buzz sa darating na Linggo. Ayon kay Annabelle, hindi na mapapanood nang live sa The Buzz ang kanyang anak.

0 comments:

Post a Comment