Your Ad Here

Wednesday, March 3, 2010

Bangs, pantapat sa alindog ni Cristine!


HINDI muna masisilayan ng mga barako ang kaseksihan ni Bangs Garcia sa mga men’s magazine. Nagdesisyon muna ang sexy star na magpahinga sa pagpapa-sexy sa mga men’s magazine.


Ang mga kabataang nanonood ng kanyang teleseryeng Magkano Ang Iyong Dangal sa ABS CBN 2 ang iniisip ni Bangs. Natutuwa nga si Bangs dahil kahit nagpa-sexy na siya noon, marami pa ring bagets ang nanonood ng kanyang serye.


Seryoso si Bangs sa kanyang showbiz career. Gusto niyang gumawa ng iba’t ibang klaseng role, at hindi puro pagpapa-sexy lang.


Nilinaw ni Bangs na nga­yon lang daw siya iiwas sa mga sexy pictorial, at babalik din daw siya sa ganu’n kapag establish na siya bilang aktres. Pero, prangkahang sinabi ni Bangs na hindi niya kaya ang maghubo’t hubad sa magazine na tulad nang ginawa noon ni Tetchie Agbayani sa Playboy.


“Hindi ko kayang mag-nude totally. Hindi ko talaga kaya ang ginawa ni Ms. Tetchie,” saad pa ni Bangs.


Kahit daw magpakita lang ng ‘crack’ ng kanyang puwet ay hindi niya kayang gawin. Ang kanyang pamilya raw ang iniisip niya kaya hindi niya kayang gawin ang mga ganun sa pictorial.


“Hindi naman ako nagi-inarte. Pero siyempre, ayoko namang magkaroon kami ng samaan ng loob ng family ko dahil doon. Eh, kaya nga ako nagtatrabaho para sa kanila.


“Kung magpapaka-daring ako sa mga ma­gazine pictorial, hindi sa nudity way. May iba kasi akong paniniwala na you can be sexy even without showing flesh. I have nothing against nudity. Nudity is an art. Sa akin lang, hindi ko kaya ‘yon, at puwede naman akong magpa-sexy sa ibang paraan,” esplika ni Bangs.


Anyway, ikinukum­para si Bangs kay Cristine Reyes ngayon. Si Bangs daw ang puwedeng ipantapat kay Cristine pagdating sa lakas ng sex appeal sa mga boys, at sa ganda ng katawan.


“Naku, thank you naman. Pero, ayoko namang magkaroon ng isyu sa amin ni Cristine,” sabi lang ni Bangs.

0 comments:

Post a Comment