Your Ad Here

Saturday, February 20, 2010

Kasal kay Marian sa Spain, itinanggi ni Dingdong!


NAGING masaya at memorable para kay Dingdong Dantes ng naging trip nila ni Marian Rivera sa Spain.


“Ang main objective naman talaga ng pagpunta roon ay para makita ni Marian ang dad niya, dahil matagal niyang hindi nakita, for more than over six years.

Bukod doon para makasama rin niya ang mga relatives niya at ako naman, I have a Tita who works and live there. So, isa siyang malaking reunion kaya siya na­ging sobrang saya,” sabi ni Dingdong.


Kuwento ni Dingdong, hindi na raw sila nagpasundo ni Marian sa airport sa daddy nito. Dumiretso raw sila agad sa restaurant ng daddy ni Marian.


“Okey naman ang pagmi-meet namin. In fact, I was expecting na baka hindi kami magkaintindihan. But, na-surprise ako when I found out na magaling siyang mag-Tagalog. Maayos lahat, masaya. He really show us a good time.”


Paano siya ipinakilala ni Marian sa daddy nito?


“In a different language, sa amin na lang ‘yun. Ha! Ha! Ha! Ha!”


Sey pa ni Dong, nang makilala raw niya ang daddy ni Marian, doon daw niya na-discover kung saan nakuha ni Marian ang halos kalahati ng ugali at pagkatao nito.


“He’s a very fun, outgoing person. Napakabait niya sa kanyang anak. Siguro masasabi ko, very down-to-earth. At pagdating sa mga hilig like pagkain, since he’s in a restaurant industry, doon sila nagkakapareho ni Marian.”


Puwedeng sabihin na this time, mas buung-buo na ang pagkakakilala niya kay Marian.


“Siguro, na-validate lang lalo noong finally, makilala ko na ang kanyang father. Finally, nakilala ko na kung bakit siya ganun ka-jolly na tao. Meron talagang pinagmanahan.”


Inamin nga ni Dingdong na kakaiba rin ang naging pagdiriwang nila ni Marian ng nakaraang Valentine’s Day dahil inabutan daw sila sa Spain.


“We had dinner together. Actually, tatlo kami, kasama namin ang daddy niya.”


Natawa na lang si Dingdong at tahasan ngang itinanggi ang balitang kes­yo nagpakasal na sila ni Marian sa Spain.


“Sobra naman ‘yun. Para sa akin, ang konsepto na ganun ay sobra ‘yun para sa akin because it’s one very important event in my life. So, it’s something that I will really prepare for at dito sa bansa natin ‘yun, if ever.”


Aware rin si Dingdong na sa isang event kung saan ay tumanggap ng award si Marian bilang Top Tax Payer ay nagkita o nagkasama sa isang lugar ang kanyang ex-girlfriend na si Karylle and of course, ang present niyang si Ma­rian nga.


So, ano naman ang maiko-comment niya doon?


“So, it’s good that they are both responsible taxpayers,” nakangiti niyang sabi.


Sa huli nga, tiyak daw na matutuwa naman ang mga nakaka-miss na sa tambalan nilang dalawa ni Marian dahil sisimulan na nila ang shooting ng kanilang movie under GMA Films, at gayundin ang pagte-taping ng ikaapat nilang primetime series na pagtatambalan, ang Endless Love. At siyempre, tuloy pa rin si Dingdong bilang host ng Family Feud.

0 comments:

Post a Comment