Your Ad Here

Saturday, February 20, 2010

Juday-Sarah skeds, ‘di magtugma!


Gusto sana ni Juday na matapos na ang “Hating Kapatid” nila ni Sarah Geronimo sa Viva Films sa Marso para pagbalik nila ni Ryan Agoncillo sa bakasyon nila ng April ay ang movie naman ng Unitel ang maumpisahan na sa buwan ng May at pagkatapos ay masimulan na nina Juday at Ryan ang Regal Films movie nila na pang-MMFFP entry ni Mother Lily.


Kaso nga, hindi magkatugma ang iskedyuls nina Juday at Sarah. Abala kasi si Sarah sa iba pa niyang commitments.


Naghihintay lang si Juday na maka-swak ang free days niya sa free days din ni Sarah. Pero, malabo yatang mangyari ‘yun.


Ewan ko kung ano na ang napag-usapan nina Juday at direk Marilou Diaz Abaya para sa Penafarancia project nila. Ayaw ko ‘yung nadidinig kong may emotional blackmail, ha. Baka iba ang ma-karma!
Tama ba ‘yun, Noel Ferrer?

0 comments:

Post a Comment