Your Ad Here

Saturday, February 20, 2010

Gaya-gaya ang Diz Iz It? “Walang karapatan ang kahit sino na magsabing kinopya ng kahit sino ang show nila!” -- Bayani Agbayani


ISANG linggo pa lang daw halos ang Diz Iz It, ang show na tumapat sa Showtime ng ABS-CBN. Kaya kampante naman si Bayani Agbayani na gaganda rin ang ratings ng show nila.“Alam n’yo, bago ka bumangga sa isang kalaban, hindi naman agad-agad matatalo mo. And besides, hindi kami nagsu-show para sa rating. Ang mahalaga, nakakapagpasaya ka ng tao. Pinapanood ka ng tao para maging masaya sila. Hindi kailangang mag-contest, eh,” sambit ni Bayani.


“Three months na sila, kami one week pa lang. So, hindi pa talaga natin masasabi kung magre-rate sila or magre-rate kami.”


Sinagot din ni Bayani ang isyung kesyo ginagaya lang daw nila ang format ng kabilang show.


“There’s no such thing as original in television. Unang-una, ang format ng Showtime, galing na sa Talentadong Pinoy ‘yan. Ang Talentado naman, galing sa American Idol, British Got Talent. So, ang opinion ko, walang karapatan ang kahit na sino na sinasabing kinokopya ng kahit sino ang show nila.”


Dahil galing naman si Bayani bilang isang Kapamilya, aminado itong kaibigan daw niya ang mga nasa katapat nilang programa like Vhong Navarro.


“Si Vhong, mahal ko ‘yan, sobrang mahal ko ‘yan. ‘Yung panganay niya, inaanak ko.”


May naging patutsada raw ang isa sa mga host ng katapat nilang show sa show nila? So, ano ang reaction niya?


“Hindi kasi bagay sa akin ang magpatutsada. Ever since kahit nagkakaroon ako ng issue sa TV, hindi ako nagsasalita talaga. Hindi bagay sa akin na nagsasalita ng masama against any artist. Unang-una, paniniwala ko, ang industriya, napakaliit lang. I might as well magtulungan tayo kesa magbagsakan.


“At sa akin kasi, ‘yun ang feeling nila, pero dapat nga mag-angatan tayo kesa magsiraan sa industriyang ito.”


So, ano nga ang masasabi niya sa nagpapatutsada sa show nila?


“Opinion niya ‘yun. Pero sana, sa akin lang, imbes na magsiraan nga, magmahalan na lang tayo. Mahalin natin ang kapwa natin artista. Mahalin natin ang katapat nating show ng sa ganun, matulungan ang industriya.”


Sa isang banda, masaya naman si Bayani dahil sa pagpasok niya bilang Kapuso, ang dami na agad na shows na ibinigay sa kanya. Bukod sa Diz Iz It, may SRO pa siya at First Time.

0 comments:

Post a Comment