Your Ad Here

Monday, March 29, 2010

Sarah, kilig-kiligan kay Matteo Guidicelli! “Ang guwapu-guwapo niya!”


Intimidated si Sarah Geronimo kay Sen. Loren Legarda nu’ng hindi pa niya nakakaharap ang senadora. Pero nawalang lahat ang takot niya nang magkaharap sila.“Nadama ko ‘yung sincerity niya. ‘Yung pagiging totoong tao niya. Spontaneous. Nakita ko ang intensyon niyang maglingkod sa ating bansa,” pahayag ni Sarah sa presscon nila ni Sen Loren.

Pero totoo ba ang tsismis na mas yumaman siya ngayon dahil sa pagkuha sa kanya nina Sen Villar at Legarda bilang endorser?

“Hindi ko po alam ang kinikita ko. Nagtatrabaho ako para sa pa­milya ko, sa pangarap ko. ‘Yung ‘pag endorso ko, importante ‘yung pinaniniwalaan mo. Hindi sa pera-pera lang!” katwiran niya.

Pagdating sa kanyang personal life, kay Matteo Guidicelli siya nali-link ngayon.

“Okey naman si Matteo. Ang guwapu-guwa­po nga niya sa perso­nal! Magaling kumanta. Friend ko din siya sa Facebook. Binati ko din siya nu’ng birthday niya sa BBM!” kinikilig na sabi ni Sarah.
Hindi ba nagseselos si Rayver Cruz?

“Alam naman ni Rayver. Walang dahilan para magselos siya. Ha! Ha!” sambit niya.

0 comments:

Post a Comment