Your Ad Here

Monday, March 29, 2010

Aljur, parang naka-drugs sa harap ni Kris!


KUNG ide-describe namin si Aljur Abrenica at ang ngiting tila naka-plaster na sa mukha nito lalo na pagkatapos na pagkatapos ng kanyang first major concert sa Zirkoh, Morato, para itong naka-drugs na high na high sa kaligayahan.

Naging successful kasi ang kanyang I’m Yours concert na kauna-unahang prinodyus ng PPL Entertainment.

“Sobra po ‘yung kaligayahan na nararamdaman ko ngayon dahil po sa naging tagumpay ang una kong concert at sa suportang nakikita ko po mula po sa mga taong nanood po ng show. Bigla pong nawala ‘yung halos araw-araw na kaba ko para sa show ng sobrang kaligayahan naman po,” bungad na sabi ni Aljur.

Puwedeng-puwede ngang ma-high si Aljur sa kasiyahan dahil halos pawang magaganda ang nangyayari sa kanyang buhay ngayon. Naabsuwelto siya sa hinaing complaints sa kanya. Maganda ang takbo ng kanyang career via The Last Prince at kaka-celebrate lang din niya ng birthday noong March 24 kasabay ng launching ng kanyang album under Sony and GMA Records. Panay-panay naman halos ang yakap ni Aljur sa ka-loveteam na si Kris Bernal sa dressing room. Parang na-high din ito nang surpresahin ng young actress ng birthday gift.

“Nasurpresa talaga ako nang bigyan ako ng bracelet ni Kris habang kuma­kanta kami. Nakita ko na lang siya noong humiwalay sa akin sa stage tapos, parang may iniabot sa kanya at pagkatapos, ibinigay nga sa akin.

“Nakaka-touched dahil hindi ko talaga ine-expect. Pinasuot na rin niya sa akin at sabi nga niya, palagi ko raw isusuot para mas maaalala ko siya. At talaga namang palagi kong isusuot itong bracelet na bigay ni Kris,” nakangiting sabi niya.

Isang Charriol bracelet na kung tawagin ni Kris ay friendship bracelet daw. Si Kris raw mismo ang persona­l na bumili nito para iregalo sa ka-loveteam. Bukod pa sa dalawang polo na birthday gift din niya rito at nauna nang iniabot noong mismong araw ng birthday ni Aljur.

Bebs ang narinig naming term of endearment ng dala­wa. Madalas na rin daw nilang sabihin ang katagang “I love you”, sa isa’t isa, pero, kung tatanungin kung sila na, hindi pa rin daw.
“Sobrang special po sa buhay ko si Kris at ‘yung suporta po niya palagi sa akin, sobrang naa-appreciate ko po ‘yun.”

Sa Hong Kong nakaplanong mag-spend ng Holy Week si Aljur kasama ang kanyang buong pamilya para maka-bonding at makabawi naman daw siya ng oras sa mga ito.

0 comments:

Post a Comment