Your Ad Here

Sunday, April 11, 2010

Dennis parang si Robin kung ma-in love




Seen : Pareho ang ugali nina Robin Padilla at Dennis Trillo. Madaling ma-in love sina Robin at Dennis sa mga babae na nakakapareha nila.

Scene : Hindi natuloy ang commercial shoot ni Heart Evangelista sa Bangkok dahil under state of emergency ito.

Seen : Malaki na ang tiyan ni Judy Ann San­tos. Tumataba na rin siya dahil sa kanyang pag­bu­buntis.

Scene : Ibinalik ng Bb. Pilipinas Charities Inc. kay Maria Venus Raj ang Bb. Pilipinas-Universe crown na kanilang binawi. Ang mag-apply ng Philip­pine passport ang kundisyon na hiningi ng BPCI kay Venus.

Seen : Pilit at hilaw na hilaw ang loveteam nina Erich Gonzales at Enchong Dee. Hindi believable na may mutual understanding sina Enchong at Erich na may twang ang pagsasalita ng Tagalog.

Scene : Watchamakalit ang title ng pambata at bagong show ni Eugene Domingo sa GMA 7.

Scene : Sa April 18 ang premiere night sa SM Megamall Cinema 10 ng Working Girls.
read more "Dennis parang si Robin kung ma-in love"

Kalaguyo ng sikat na personalidad, aktres nangongolekta na rin ng mamahaling bag


Itago na lang natin ang aktres na ito sa alias na Ms. Tress.

Tsika ito ng aking source whose tipster ay mismong pinsan ni Ms. Tress. Kahit pala consistently out of touch pa rin ang hitad, marami ang mga kuwentong nagpapatunay ng kanyang illicit affair with a famous personality.

Kinumpirma sa aking source ang pagkakaroon talaga ni Ms. Tress ng boutique sa ibang bansa, na ang ipinagpagawa’t ipinuhunan dito’y katas ng mga nahaharbat niya mula sa kanyang may-sabit na nobyo.

Lately rin daw ay nahihilig si Ms. Tress sa isang brand ng mamahaling bag, the same signature item na ginagastusan ng milyun-milyon ng misis ng kanyang kalaguyo. At nagbanta pa raw si Ms. Tress na tatalbugan niya ang kanyang karibal sa pangongolekta ng mga ito, nang sa gayun daw ay wala na itong mahinging perang pambili mula sa asawa.

In English, the word “tress” means “lock of hair.” Ang haba talaga ng buhok ni Ms. Tress.
read more "Kalaguyo ng sikat na personalidad, aktres nangongolekta na rin ng mamahaling bag"

Billy mukhang pera?!


Parang hindi magandang pakinggan ‘yung tsismis na gustong pagbabalik ni Billy Crawford sa GMA kung magkakasundo sila sa presyo? Ga­nito na ba siya ka-materyoso para bigyan ng bigat sa kanyang trabaho ang pera? Kung kumikita siya ng P20M bilang Kapamilya bakit niya ito iiwan? Malaking pera ito saan mo mang anggulo tingnan. No, I don’t think iiwan pa ni Billy ang ABS-CBN. Ma­ganda na ang exposure niya rito, marami siyang programa. But above all these, kasama niya sa network ang kanyang mahal.
read more "Billy mukhang pera?!"

Jennylyn at Dennis may unawaan na!


Halata sa mga kilos at salita nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na may unawaan na sila.

Kung walang understanding ang dalawa, hindi aaminin ni Dennis na exclusively dating sila ni Jennylyn.

Ewan ko lang kung totoo ang balita na hurt na hurt daw si Andrei Felix nang malaman nito na exclusively dating sina Jennylyn at Dennis.

The who si Andrei? Siya ang dating VJ ng MYX na rumored boyfriend ni Jennylyn. Ang tsismis, si Andrei ang ipinalit ni Jennylyn kay Patrick Garcia. Nahihirapan daw si Andrei na tanggapin ang katotohanan na ipinagpalit siya ni Jennylyn kay Dennis kahit matagal na silang hindi nagkikita ni Jennylyn.
read more "Jennylyn at Dennis may unawaan na!"

Marian tinatawanan ang 'tinatagong' anak


Knowing Marian Rivera, pinagtawanan lang niya ang balita na meron na siyang anak.

Walang katotohanan ang balita dahil kung totoo na may anak na si Marian, noon pa sana ito nabulgar.

Walang lihim sa showbiz na hindi nabubunyag. Mahihilig ang mga Pinoy sa mga intriga at kontrobersiya. Kung totoo na may itinatagong anak si Marian, tiyak na alam na ito ng buong mundo!
read more "Marian tinatawanan ang 'tinatagong' anak"

Claudine pinipigilang iyakan ang away nila ni Gretchen


Pigil na pigil ang pag-iyak ni Claudine Barretto nang mag-guest siya kahapon sa Startalk para i-promote ang kanyang drama anthology sa GMA 7 na nag-umpisa kagabi.

Muntik nang mapaluha si Claudine dahil napag-usapan ang tampuhan nila ng kanyang Ate Gretchen.

Tama ang kutob ng mga tao na may hidwaan ang magkapatid kaya naging emosyonal sila sa pagta­tapat kagabi ng kanilang mga show.

‘Yun nga lang, hindi natin malalaman ang da­hilan ng tampuhan nina Claudine at Greta dahil tumanggi ang una na magkuwento. Bago siya nagpunta sa Startalk, nakatanggap si Claudine ng text message mula sa kanyang mga magulang na nagbilin na huwag na siyang magsalita tungkol sa isyu.

Mahal ni Claudine ang kanyang ama at ina. Mahal din niya si Gretchen kaya hindi na nagsalita si Claudine para hindi na humaba ang isyu.
read more "Claudine pinipigilang iyakan ang away nila ni Gretchen"

LJ Reyes, goodbye muna sa showbiz


Pansamantalang mawawala sa showbiz scene si LJ Reyes dahil pupunta siya sa ibang bansa para ipagamot ang kanyang likod na matagal nang sumasakit.
Ang Party Pilipinas at Ina, Kasusuklaman Ba Kita? ang mga regular show ni LJ sa GMA 7.


“Indefinite leave” ang paalam ni LJ sa production staff.
read more "LJ Reyes, goodbye muna sa showbiz"