Your Ad Here

Friday, March 5, 2010

Carmina, na-miss ang pagiging tsismosa!


GULAT na gulat si Carmina Villaroel nang malaman na umalis na si Ruffa Gutierrez sa ABS-CBN 2 at lumipat sa TV5.

Nakakatawa nga kung magtanong si Carmina dahil para siyang tsismosang nahuhuli sa balita parati.
Pagpasensyahan na raw siya dahil since nawala raw ang daily show niyang SiS ay nahuli na raw siya sa mga chika sa showbiz.


“Kasi naman nung may SiS pa ako, lahat ng latest na chika alam ko. Nauuna ngang magbalita si Gelli (de Be­len). Siya ang tagahanap namin ng mga tsismis sa show. Kaya up-to-date ako. Kaya noong mawala ang SiS, aba nahuhuli na ako! Feeling ko tuloy hindi na ako in! Ha! Ha! Ha! Ha!” malakas na tawa ni Mina.


Nagparinig nga si Mina na gusto niyang mag-pinch hit paminsan-minsan sa Showbiz Central. Nalaman din kasi niya na tinanggap na rin daw ni Mo Twister ang offer ng TV5.


“Naku gusto kong mag-talk show talaga. Nami-miss ko ang dumaldal nang dumaldal. Kaya feel ko yatang sumali sa Showbiz Central! Ha! Ha! Ha! Ha!


“Serious ako, gusto kong mag-pinch hit or mag-guest host ako. Nami-miss ko kasi ang mga ganyang shows. Gusto ko up-to-date ako sa mga showbiz news. Please, iparating n’yo ‘yan sa Showbiz Central!” pakiusap pa ni Carmina.


Kasama nga pala si Carmina sa bagong sitcom ng GMA-7 na Pepito Manaloto, na kung saan makakasama niya sina Michael V., Manilyn Reynes at marami pang iba.


“Dito ko nga nilabas ang pagiging bungisngis ko. Sa The Last Prince kasi, seryoso ang role ko. Dito sa Pepito Manaloto, akong-ako ang mapapanood nila. Kung gaano ako kakikay at kaingay, dito nila mapapanood iyon,” sabi pa ni Carmina.

0 comments:

Post a Comment